Ang PinoyDen ay isang forum community site na ang pangunahing reason kung bakit ginawa ay para magshare ng mga unlimited browsing techniques/free browsing techniques (ubt/fbt) o in short ay para makapagbrowse ka sa internet ng libre. Cool diba? Ginawa yan para sa mga kuripot na FiLiPiNO, *at siyempre member ako jan: kuripot ako eh* bwahaha. *tnt*
back to the topic. Di lang yun ang pwede mung makuha sa PD (short for pinoyden), madami kang matututunan dito, (lahat lahat na ata hehe) sa sobrang dami ay isusumarize ko na lang in three letters. "ETC"
Pagpasok mo pa lang ng pinoyden, madami ka ng makikitang boards and thread topics.
PINOYDEN CHATBOX
- Dito mo makikita si "Machete", ang macho, gwapo, cute, malakas at sikat na alien, haha. (joke lang machete peace men!) isa sa favorite line ni machete ay "di ako bot ako'y tao na may puso at damdamin". Hehe, nga pala, allowed lang ang isang PD member na magsubmit ng dalawang magkasunod na post para maiwasan ang spamming. Join na kayo at kilalanin si Machete Bot. Haha
-PINOYDEN.COM CENTER-
- Introduce Yourself
- kung bago ka sa PD, eh dapat kang dumaan dito. (kaya nga introduce) para sa mga newbies to. Dito ka gagawa ng una mong thread post at siyempre, ang nilalaman ay about sa sarili mo. Kung sino ka, kung taga san ka, lalaki ka ba o babae, ilang taon ka na, sino nagpasok sayo, anong lahi mo, anong vital stats mo, anung favorite mung kulay, anong gusto mung ulam, sinong crush mo, sinong nanay at tatay mo, magkano baon mo, kung cute ka o hindi. Basta kahit anong gusto mung pagpapakilala sa sarili mo, basta wala kang nalalabag sa rules. Go lang. Iwewelcome ka namin ng bonggang bonggang bongga with full emoticons haha.
- News and Announcements Board
- Dito mo malalaman ang mga bago at luma sa pinoyden. Title pa lang alam na. Ito ang board kung saan mo makikita ang Forum Updates, Announcements (ng kung anu-ano), Pinoyden User Groups (yun yung mga member na may logo ng group under their avatar, iba rin ang color ng kanilang username sa ordinary member), Pinoyden Statistics and many more. (many to mention haha)
- Freebies and Contest
- Dito ginaganap yung mga contest sa pinoyden. Isa na dito yung Pinoyden.Com.Ph Blog contest. (kaya naisipan kong gumawa ng blog dahil kasali ako dun) hehe. Para na rin maipakilala ang Pinoyden sa buong mundo.
- Forum Comments and Suggestion Board
- This is the right board para magpost ng comments, violet este violent reactions and suggestions about sa pinoyden. Kung gusto niyong magsuggest sa ikagaganda ng site, then ito ang tamang board. Kung gusto niyong magreklamo, o magwala, o mag-amok, eh bawal yan, wala tayo sa Face to Face para maghanap ng gulo, just say it in a nice way po. OKAY! :)
-TAMBAYAN ZONE-
- Tambay Tayo Dito a.k.a Tsismisan Board
- Kung nagpaparami ka ng post? Better go to this board. Sa kadahilanan na bawal ang spamming at off topic post, magiging mahirap para sa isang PD member ang magparami ng post. Kaya para makapagpadami ka ng post, eh pasyal ka lang dito sa Tsismisan Board, for sure na hindi ka ma-ooff topic dahil ang mga topic na makikita mo ay ganito: example
>Attendance Ka-Tambay
siyempre, lalagay mo lang jan ay present then poof! +1 post ka na at di ka pa off topic. But remember rule is rule, wag ka magconsecutive post kundi yari ka. Haha
Ilan sa mga Major Topics/Child Boards ay:
Academic Zone
(para sa mga nerd. Joke lang po. Hehe)
Regional
(para sa mga probinsiyano, bawal kase gumamit ng ibang dialect except for Tagalog and English. Kaya kung gusto mo magbisaya, or any other dialect, hanapin mu lang ang thread ng mga kalahi mo at magkwentuhan kayo)
Joke Time
(para sa mga korni, nalulungkot na gustong sumaya, at mga walang magawa)
PD Forum Games
(para sa mga walang magawa ulet o bored, try niyo maglaro dito, baka matuwa kayo.
Birthdays and Celebrations
(para sa mga may birthdays, celebrations, victory party? Pwede rin haha *sino ka si pacquiao? Joke* anniversaries, monthsaries, achievement etc.)
- Entertainment Board
- Tunog pa lang, interesting na. Dito mo makikita ang mga sari-saring topics na related sa entertainment.
Child Boards are:
Music and Radio
- kung Entertainment ang usapan eh mawawala ba ang mga yan? Oh common? Sino ba ang ayaw ng music? Diba? Diba? So kung gusto mo ng kaJAMMiNG, then punta ka na sa thread na to at makipagkwentuhan tungkol sa mga hottest artists, popular music and best bands *iloveGreenDay* epal ko lang. Basta related sa music. Pasok ka dito
TV Shows and Movies
- Dito naman makikita ang mga topics na related sa mga tv shows and latest movies, kung anung bago sa Hollywood, mga sikat na actors and actresses, about showbiz etc. Kung yan ang hilig mo don't hesitate, the door is open, este the thread pala. Haha
Anime and Manga
- Yeah. \m/ i'm one of the anime fanaticz out there. Kung kaparehas kita, check out this board dude, pagusapan naten ang mga latest anime and mangas at kung anu ang favorite ng isa't isa! *im naruto shippuden fanatic* epal ko lang
Sports
- Para sa mga athletic jan, mga wannabe's ng kanilang idol athletes. This one the best place for you. Pagusapan naten ang latest about sports and other related issue's here. :)
- Pinoy Lifestyle Board
- Dito idinidiscuss ang mga bagay na connected sa lifestyle nateng mga noypi.
Child Boards are:
Travel and Leisure
- para sa mga adventurous person. Kung hilig mo ay mga ganiton bagay, feel free na magexplore in this board. Share your experience about your travellings and helpful tips para makatulong sa iba.
Love, Courtship and Marriage
- isa sa favorite boards ko dito sa PD. Wala ng paliwanag! Basta favorite ko to haha. Pero sige, explain ko na rin. Dito sa board na to, pwede ka magshare ng ideas mo about love, how to define love (hirap idefine in words noh?), how to make a relationship stronger, basta connected sa topic eh pasok! Ayieeeh. :D
Body and Fitness
- ang board para sa mga conscious pipz out there. Talk about anything related sa body and physical fitnes like pagpapaganda ng katawan (pwede rin pagusapan kung paano papangitin ang katawan), pampagwapo, pampaganda, tamang pagdidiet, nutritious food na makakatulong mapanatili ang health. Pasok!
Humanities Board
- dito mo makikita ang mga thread topics na related sa religion, history, social sciences, arts, literature, ancient and modern language, law and philosophy. (niresearch ko pa yan).
Child Board is:
Arts and Literature
- dito mo pwedeng ishare ang mga nagawa mong essays, poems, stories, quotes or any written article. Malay mo sumikat ka ng dahil sa PinoyDen! It's possible dude. :)
-MOBiLE ZONE-
- Mobile Discussions
- dito ang board kung saan mo makikita ang iba't ibang tips and tricks about your mobile phone. Madami kang matututunan dito, sari sari, kumbaga, parang department store, may discussion about s40 phones, symbian phones, samsung, sony ericsson, LG, iphone, beeper - joke lang hehe, hanapin mo na lang kung saan ka belong. Isa rin ito sa favorite board ko sa PinoyDen dahil nga madami akong natututunan dito. Pwera lang sa mga ubt/fbt tricks dahil di yan pwede sa Mobile Zone. Dun ka dapat sa Ubt/Fbt Zone - to be discussed later. Gusto mo share ko sayo? Hehe
- Mobile Help and Support
- kung may problema ka about your cp, memory card, or anything related to the topic, dito ka dapat humingi ng tulong, mababait naman kami eh. Tulungan ka namin hanggang sa makakaya namin. And again, di pwede ang about sa ubt/fbt tricks, dahil may tamang board para jan. To be discussed later.
- Mobile Applications
- are you looking for the coolest and latest application para sa cp mo? Then check this out, andito ang latest at di ka mahihirapang maghanap, dahil sa mga child boards na nagsilbing category na para malaman mo kung ano ang swak sa phone mo.
Childs Boards are:
Series 40 Apps
Series 60 Apps
Series 60v3 Apps (OS 9.1 9.2)
Other Mobile Phones
oh diba organize na organize. :)
- Mobile Games
- kung latest and cool games ang hanap mo kapatid, well, ito ang board para sayo. Madami kang makukuha dito, just don't forget to click the Thank You button ng uploader.
Child Boards are:
S40 Games
S60 Games
S60 Games (OS 9.1 9.2)
Sony Ericsson
Motorola
- Themes and Customization
- Gusto mo ba ng malulupet na themes na swak sa cp mo? Yung tipong kahit yung kaaway mo ay makikipagbati para lang ipasa mo sa kanya ang astig mong themes? Then, this is the right board para icustomize ang iyong cp. Dito mo makikita ang mga nagaastigang themes na swak sa cp mo! So ano pa hinihintay mo? :D
- Ringtones
- kung ringtone naman ang paguusapan, di magpapahuli ang PD, siyempre halos lahat nga makikita mo na dito. Download all the ringtone you want, lalo na ang usong usong dota ringtones!
- Mobile Apps, Games and Themes Request
- kung sa palagay mo eh di mo makikita ang gusto mong app, game or theme sa kadahilanang tinatamad ka gumamit ng search button, or di mo lang talaga makita? Eto ang thread para magrequest ka ng gusto mong game, app, or theme. Tutulungan ka naming mga PiNOYDENiANS sa abot ng aming makakaya. Ayos ba? :)
- PSP Games and Applications
- ang mahal magpalagay ng PSP Games noh? Pero dito sa pinoyden, libre lang, ang pinakabayad mo lang ay magregister ka, (ilagay ang PlayMate sa referer) and poof! Diretso ka dito sa board na to. With discussions pa kung paano icustomize ang PSP mo! San ka pa! Dito lang yan sa pinoyden.
- Smartphones, Pocket PC and PDA
- eto ang board kung saan mo makikita ang mga sari-saring discussions connected to smartphones, pocket pc and pda.
-UBT/FBT ZONE-
- tentenenen!
- Mod Applications
- Dito sa board na ito, makikita mo ang lahat ng modded apps a.k.a moddified applications na gawa ng PD MOD TEAM. Confuse? Example, familiar ka naman sa Opera Mini, at nagbabayad ka para makapagsurf dito. Try mo gumamit ng modded opera mini at sundin ang tamang settings, makakapaginternet ka na for free, yes tama ka! For free, walang bayad at di lang yan, customize pa ang opera mini mo with cool splash screen na gawa ng PD MOD TEAM. Yung mga hindi naman kasali sa PD MOD TEAM, pero may kakayahang magmod ng apps at isa ring PD MEMBER, don't worry pwede mo ishare ang gawa mo sa:
Other Modded Applications Board
- Mod Request
- Kung gusto mo naman ng personalize apps, dito ka magrequest. Example, kung gusto mo ng Opera Mini na ang Splash Screen (yun yung picture habang nagloading yung app) eh picture ni Bentong, oh kaya ni Long Mejia? Pwede rin ang picture mo! Kaya namin yan, basta ibigay mo ang complete details at gagawin namin yan as fast as we can.
- Mobile UBT/FBT
- UBT/Unlimited Browsing Technique and FBT/Free Browsing Technique. Yan ang pinakadabest sa lahat ng Boards sa Pinoyden.Com.Ph (para saken). Siyempre, dito mo makikita kung paano nagagawang makapaginternet ng libre. Dito sa board na to ay makikita mo ang samu't saring mga mobile tricks, including ip's, proxies, freesites, etc. Kumbaga sa ninja, eto yung mga ipinagbabawal na jutsu. Haha. Napakapraktikal na ng panahon ngayon, ikaw ba? Tatanungin kita? Magtityaga ka ba magload ng napakalaki para lang makapagsurf via mobile? Or mas gugustuhin mo maging isang Pinoydenian at magsurf ka araw araw, gabi gabi, hapon hapon etc. Haha? Ano nakaisip ka na? Ano pa hinihintay mo, join ka samin at magsamasama tayo! Hehe
- PC UBT/FBT
- yap, tama ka sa nababasa mo, pc or personal computer, or computer, or comp! Pwede rin laptop, hehe. Same lang ng idea tulad sa mobile ubt/fbt. Gusto mo ba magsurf sa computer o laptop mo? Pero walang load ang broadband mo? Possible yan kapatid. Dahil dito sa PinoyDen magagawan yan ng paraan! :)
- UBT/FBT Help and Support
- ito ang board kung saan ka dapat magpunta, kapag mejo nalilito ka at hindi mo maintindihan ang mga tricks. Ito ang tamang lugar para pagtanungan. Maraming pinoydenian dito na nakatambay, handang tumulong sayo kung ano man ang problema mo. Pero kung ang problema mo ay walang kinalaman sa ubt/fbt, pero may kinalaman sa cp, eh dun ka dapat sa Mobile Help and Support. Okay po ba? :D
-PC ZONE-
- PC Help and Support
- ito naman ang board na counterpart ng Mobile Help and Support, siyempre, hiwalay para di nakakalito at maganda tingnan, ganyan kagaling magorganize si Boss AED a.k.a Mr. Administrator (clap2x). Kung my katanungan ka about your PC, then ito ang board na pupuntahan mo. Okay!
- PC Application, Games and Themes Request
- alam na! Title pa lang diba? Tama ka, ito ang board where you can request pc apps, games and themes. Hindi ko lang alam kung bakit nasa taas o mas nauna ang board na ito kaysa sa PC Application and PC Games board? Hehe.
- PC Discussions
- dito ang board kung saan pinaguusapan ang iba't ibang computer tweaks and tips. Kahit ano basta related sa computer, halika at pumasok sa virtual reality! :D
- PC Applications
- dito mo makikita ang samu't saring computer apps, kumbaga dito yung bagsakan. Hehe, madaming nagshare ng kanilang mga pc applications dito. Alam mo na, give and take lang, ishare ang meron kaya kung meron ka? Ishare mo rin. (thumbsup)
- PC Games
- excited? Sino ba naman ang may ayaw. Defense Of The Ancients a.k.a DOTA, Ragnarok, Plants vs Zombie, Assasins Creed, Devil May Cry and a lot more. Install naten yan sa PC mo. So what are you waiting for?
- Dekstop Customization
- kung pagpapaganda o pagpapaastig ng dekstop ng computer ang hanap mo, ito ang board na dapat mong puntahan. Download desktop themes and tools to customize your desktop the way you want!
-MULTiMEDiA ZONE-
- Video and Sound Streaming
- "bakit yung cp mo, nakakapagstream ng video, bakit yung sakin hindi eh mas maganda naman ang cp ko". Sagot ko naman, konting kalikot lang, hehe, kung gusto mo rin makapagstream ng videos, ito ang tamang board para sayo, madami kang makikitang tutorials, malinaw at madaling intindihin. So kita kits na lang! :D
- E-Books
- or electronic book, para sa mga mahilig magbasa jan pero walang pambili ng libro. This is the best place to go! Download lots of mobile ebooks to your phone para updated ka sa mga sikat at latest books na pinaguusapan ng classmates mo. Actually, nakatapos ng ko ng 2 ebooks. Yun gawa ni bob ong.
- Music Downloads
- download all your favorite music in this board. Madaming collection ng mp3 ang iba nating mga kaPD, malay mo, same kayo ng interest.
- Full Movies Downloads
- kung movies naman ang gusto mo, dito ka pumunta! Download all the movies you want for free, kesa naman bibili ka pa ng dvd diba? Hehe
- Multimedia Editing
- kung may dugong artistic ka, tulad ko, dito ka pumunta. Let's talk about anything related sa pageedit ng pictures, videos and other multimedia file. We can give you tips and tutorials, especially sa paggamit ng adobe photoshop. Lets rock.
- MMZone Request
- a.k.a Multimedia Zone Request board. Ito ang board kung saan ka pwedeng magrequest ng kahit anong multimedia file, like music, vids and pics (signatures and avatars).
-CLASSiFiED CENTER-
- Services
- kung naghahanap ka or nagooffer ka ng profesional services. Dito ka dapat maligaw este mapunta. You can find professional technicians, programmers and a lot more here.
- Buy and Sell
- ito ang marketplace ng Pinoyden.Com.Ph. Madami kang makikita mga binebentang bagay like phones, computers etc. May nakita pa nga akong drumset eh. Hehe. Pwede ka rin magoffer dito kung mayroon kang binebentang items. Wag ka mahiya friend.
- Job Oppurtunities
- need job? need money? Then, this is the best place go in PiNOYDEN. Madami kang makikitang job oppurtunities dito. Alam natin na uso ngayon ang mga tambay, pero kung gusto mong umasenso, why not apply? Di mo alam kung saan? Why not visit Pinoyden.Com.Ph and check out this board. Malay mo, makita mo ang hinahanap mo.
-ADULT ZONE-
- from the title itself. This zone in pinoyden contains mature content. Di mo basta basta makikita ang Adult Zone sa Pinoyden.Com.Ph pero kapag nakita mo na, eh solve ka! Kung mejo conservative ka po, don't worry, mahirap makita ang AZ. Kung interested ka naman eh madali lang yan, tuturuan kita kapatid. PM mo lang ako, pero paano? Ganito lang yan, first be a Pinoyden.Com.Ph member. Punta ka lang sa pinakababa ng page at makikita mong online ako, PlayMate is may username. Pero minsan lang naman ako tumambay sa AZ hehe, mejo me pagkagood boy din naman ako. Haha.
Pinoyden.Com.Ph, malaki ang maitutulong nito sa atin. Siguro naman eh naintindihan mo ang blog ko. Kaya't anu pa ang hinihintay mo? See yah. :D
Credits to:
- AED - kundi dahil sa kanya, wala ang Pinoyden.Com.Ph
- Mod Archieve - para sa paggamit ng pinoyden banner niya......ang cute kase.. ;)
- PinoyDenians - sa patuloy na pagsuporta. mabuhay ang PINOYDEN!!!!!!! (^_^)